Wednesday, August 21, 2013

The Filipino Spirit is Waterproof

How many typhoons passed the Philippines and we are victorious to survived it all! Ilang beses na nga ba na binaha ang Pilipinas pero sa bawat bagyo, malalakas na pagulan at matataas na baha hindi nawala sa atin ang pag-asa. That's one of the attitude we have that make us peculiar to others - we are full of hope and positivity in life; that in the midst of storms and lightning we can still smile and laugh. We have a hopeful and positive spirit. 

"Baha ka lang, PINOY po ako" - that's the Filipino spirit! Ang sabi nga matutuyo din naman ang baha, titigil din ang ulan at ang sisikat ang araw ngunit ang pagiging Pilipino natin mananatili. There are worries and fears but its a normal reaction, what matter is how we conquer each day habang nakalubog ang mga paa sa baha, at habang patuloy na bumubuhos ang ulan.
I was asked by one of  my colleagues way back years kung bakit daw ang mga Pilipino parang hindi tumatanda, we look younger daw talaga on our age, unlike their nationality na ang tanda na talaga nilang tingnan for their age. I just answered "cos we are happy people" then he replied "yes I agree, even in a difficult situation you can still smile" That's a Filipino spirit! We can still smile even in the toughest situation we're facing
The positivity within the Filipino comes out naturally - hindi na kinakailangang ituro pa kusang lumalabas in times of overwhelmingly difficult situation. Ienjoy na nga lang naman kung anong meron, ikaw naransan mo bang magtampisaw sa baha at maligo sa ulan noong bata ka pa? aminin mo nagenjoy ka din di ba? Hindi nga naman laging may ulan so instead na magmukmok ieenjoy na lang :-)
Even sila naki-trending din...
Its more fun in Philippines talaga!
But what does the Filipino spirit lifted up? Alam ng bawat Pinoy na may karamay sya sa bawat patak ng ulan at sa matataas na baha na susuungin nya.
That's the Bayanihan spirit!
In times of typhoon, in times of storms you are confident na hindi ka lalakad sa baha na magisa, may aabot ng kamay mo para tulungan kang iahon sa baha, may sasagip sa'yo, may magbibigay ng damit para hindi ka lamigin, may magaabot ng pagkain para mawala ang gutom. Sa panahon na kailangan mo ng tulong alam mo na may taong magkukusa para sa'yo
Walang mahirap or mayaman, walang matalino or mangmang, walang pulitiko o ordinaryong tao, isa lang ang requirement may puso kang handang tumulong at kamay na handang magpagamit.
Compassion is not enough, action must always be taken...
Hindi tayo nagbibilangan ng naitulong, walang malaki or maliit na donations or tulong na nagawa mo ang importante ginawa mo ito sa kapwa nang may pagmamahal.
I-click, i-tweet or hashtag mo man yan as long as ginawa mo yan ng may pagmamahal sa kapwa, like na like yan, no reasons ka na nyan kasi kahit nasa bahay ka pa may way pa rin para makatulong ka.
Kapuso ka man o Kapamilya o Kapatid iisa ang layunin natin ang tumulong at sumagip ng mga kababayan natin, nasaang sulok ka man ng mundo maari mo itong gawin. 
Our spirit as a Filipino is waterproof - no rains, floods or storms can hinder to rise and up again.
The sky maybe grey today and the rain falls very hard but tomorrow or after a day the sun will shine again. Its the hope from every Filipino that keeps our country going - hope that we can make to survive again, hope that there will be a better Philippines tomorrow.
Let's be lifted by the Filipino spirit - a spirit that is waterproof!
God bless every Filipino...
God bless Philippines...


 

1 comment:

  1. Okey nga ito,, pero kung ang Pork Barrel sana ang ginamit sa lahat ng pag sasaayos ng mga daan, kanal at imbakan ng tubig, sanay kahit papano nababawasan ang baha sa ating bayan...

    Nakakatuwang isipin ang sagot ni Senator Estrada na indi nila trabaho ang alamin kung san dinala ang kanilang Pork Barrel, di ba dapat alam nya kase pipirma sya,, at di ba alam ng mga Staff nya yun, So ibig sabihin ala syang pakialam kung san gagamitin ang Pork Barrel nya,,, edi dapat tanggalin na,, di ba nga sabi ni PNOY dapat may pakiaalam.. ka..

    Ala nasanang baha or grabeng baha kung nasa tama ang ginawang pag lustay ng Pork Barrel,,, Masuerte ka Ginang Napoles...

    ReplyDelete

Thank you for reading my blog. I'd love to hear from you as well...
Have a happy day! Have a colorful life! God bless