Mga bagay na kahit hindi natin ginusto nangyayari...
Walang choice kundi tanggapin ang sitwasyon...
Kahit ayaw kailangang gustuhin...
Sa mga panahong ito ang bida ay ang pasensya...
Kahit ang sinasabi ng emosyon mo ay magalit o mainis ka...
Kelangang ngumiti ka at tanggapin kung anong meron ka...
Today nagrenew ako ng passport kasama ko ang ilan sa mga officemates ko. Everything was planned ahead, I worked till late night nung Wednesday kasi alam ko na half day ako sa embassy. We left at the office on time pero hindi kami nakarating sa expected time namin and ang isa sa pinakanakakapanghina pa papunta pa lang kami sa embassy ay nanglilimhahid na kami sa mga sarili naming pawis...hay ang AC ng coaster biglang nasira habang on the way kami..nasabi ko nga sa mga officemates ko parang nafeel ko ulit nung unang dating ko dito sa Doha...same feeling,mainit,malagkit at halos hindi makahinga kasi halos walang hangin in short humid. Pero naisip ko kanina kung wala yong mga hindi magandang pakiramdam na ton...kung hindi ko naranasan ang malagkit na pakiramdam na naranasan ko maraming bagay ang wala ako ngayon. Everytime na may magsisimulang magcomplain sa amin dahil sa init ng loob ng coaster may sinasabi si Kuya Ruolf "Guys hindi natin hawak ang mga bagay bagay kahit anong pagplaplano ang gawin natin may mga pagkakataon na hindi umaayon sa atin mga ito" sa paulit ulit nyang pagsasabi ng mga katagang yon maraming pumasok sa utak. I remember the advice of a good friend of mine "Jen don't plan ahead of you...just live and take what's on your hands" Inaanmin ko ako yung tao na gusto ko lahat nakaplano even sa mga simpleng bagay gusto ko nakaset ang mind ko kung kailan, paano o saan.
May mga bagay na hindi nangyayari ayon sa kagustuhan natin, nagiging dahilan na kung minsan maraming mga bagay ang nasasacrifice, maraming bagay ang naiiba ng resulta. Katulad nga kanina ang plano is half day lang at 12noon nasa office na pero hay from 10a.m. natapos kami 3:30 at dahil nakakahiya ng bumalik sa office I decided na magpadrop na lang sa service ko sa City Center...unexpected malling! Ayaw ko man pero kinakailangan ko na pumasok bukas...isacrifice ang pagtulog sana ng mas mahaba. Buti na lang I have something to look forward sa hapon para marelax naman at maenjoy ka pa rin ang off ko -- I will watch Sunrise After Sunset.
Naiba man ang mga pangyayari...
Hindi man nangyari ayon sa plano...
In the end ok pa rin...
Ang kailangan lang talaga ay may baon tayong maraming pasensya at positibong pananaw sa buhay.
Happy weekend!
God Bless
No comments:
Post a Comment
Thank you for reading my blog. I'd love to hear from you as well...
Have a happy day! Have a colorful life! God bless