Sunday, July 18, 2010

I'll be fine

There are times na hindi tayo ok pero kailangan nating maging ok. May mga sitwasyon na hindi natin pwedeng idahilan na we just slept on the wrong side of our bed kaya hindi ok ang gising natin or idahilan sa kausap natin na "this is not my day" kaya ang lahat ng nangyayari sa paligid natin is not in favor of us....kaya naman kapag tinatanong tayo kung kumusta tayo ang lagi nating sagot "I'M FINE" kahit deep inside hindi tayo ok.
Aminado ako na isa ako sa mga taong ang laging sagot is "i'm fine" kahit naman hindi pero in the long run natutunan ko na sumagot ng "I'm not fine" kapag hindi ako ok. Nung una yung mga tao sa paligid ko nagugulat pa at nagtataka until I explained to them na I'm just being honest with my answer baka kasi magexpect na ok ako and everything are going smoothly pero in the end disaster ang kakahinatnan. Hindi naman masamang aminin na we're not fine kung yon ang totoo. It will not lessen our credibility as a person naman, hindi naman weakness for a person ang magsabi ng "I'm not fine". Kaya naman when they asked me this morning kung kumusta ako, i answered "I'm not fine because I'm not feeling well". Dahil sa init ng panahon at biglaang pagbabago ng temperature sa labas mainit then pasok sa may a/c eto I'm not fine talaga ako due to colds & cough plus masasakit na kalamnan and slight fever, pero hopefully tomorrow I'll be fine.

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading my blog. I'd love to hear from you as well...
Have a happy day! Have a colorful life! God bless