Yesterday my 9 years 2 months and 23 days flip flops said good bye to me. Yup almost a decade ko nang ginagamit ang mahal na mahal kong flip flops pero kahit ganon nang katagal hindi ko sya pinagsawaan, nalungkot ako nung habang suot ko sya yesterday morning ay bigla na lang syang nalagutan ng buhay. Kung friend kita sa FB alam mo na siguro ang story behind my beloved tsinelas, pero for the sake ng mga hindi pa ikwekwento ko na lang ulit ^____^
I received the said flip flops as a Valentine gifts from my parents last February 14, 2005. Babago pa lang nauuso ang mga flip flops that times and ang mamahal pa. Although I'm already working that time pero parang nanghihinayang ako to spend 500PHP on just a stylish slipper na hindi ko naman pwedeng gamitin sa work, that time kasi ang flip flops must have lang during summer unlike now that you can even wear it even you're wearing a dress. My mom knows how I love to have one pero lagi kong sinasabi sa kanya na I'd rather buy a flat sandals (one finger) from Rusty or I'll just wait CLN to have a sale than to buy flip flops. Valentine 2005 ako lang ang naiwan sa bahay, well we don't really celebrate Vday and since its weekend that time, its just a co-incidence na may date si Mommy at Daddy while si brother nasa girlfriend nya and me nasa bahay lang, I am from LDR kasi that time, its costly kaya that time kasi hindi nga kayo nagdate kung saang mga fine dining restaurant pero ang mahal ng overseas call, wala pa kasing skype at video call ang FB that time, ang yahoo messenger naman magiinit lang ang ulo nyo sa bagal at sa sorang choppy. So stay lang ang beauty ko sa bahay that time at namalancha na lang ang lola nyo while telebabad, sabi ko sa inyo since then pa lang magaling na ako sa multitasking hehehe.
After kong mamalancha watch lang ako ng tv and after umusok ang telepono, dumating na sina Mommy ko I'm expecting na may dala silang food ^____^. Kahit malalaki na kasi kami, ang parents namin basta may pupuntahan may pasalubong and ngayon naman kami na ang gumagawa ng ganon sa kanila, kahit saan kami magpunta kahit nga sa SM lang I always make sure na I have pasalubong with them. As children we must return the favor they've did to us not as an obligation or responsibility but out of love and care. Pagbukas ko ng pinto excited na ako sa pasalubong hehehe bigla kong napansin ang "MANELS" paper bag na hawak ni Mommy. "Sapatos na naman?" referring to what's inside the bag that she's holding. My Mom love shoes, siguro sa kanya ko namana yung pagkahilig ko sa sapatos, when she was still working kung anong color ng bag nya yun ang color ng shoes nya and it really compliments sa suot nyang damit. Ngumiti lang sya sabay abot sa akin ng paper bag, akala ko pinapatingnan nya sa akin, nung ilabas ko na "wow flip flops" super surprise ako sympre alam ko ng akin yon kasi malaki naman yung size para kay Mommy ^____^ and that's the story of the flip flops. Nung nasa Pinas ako everytime na naka-casual ako gamit ko si flip flops pero nung nagpunta ako dito sa Qatar araw-araw ko na syang ginagamit basta nasa bahay ako or kung minsan even sa pamamasyal, super comfy kasi sa paa.
Last night when I reached home from the office hindi pa rin nagsisink-in sa akin na wala na si flip flops, isusuot ko pa sana pero sira na nga pala sya until this morning isinuot ko si bedroom slipper ko pero parang ang lumang si flip flops pa rin ang hinahanap ng paa ko, alam mo yung feeling na parang may kulang at may hinahanap ka.
Bigla ko tuloy naalala ang isang forwarded email na natanggap ko few years ago its about comparing tsinelas sa pag-ibig. I tried to search it on my inbox pero mukhang sa katagalan ay nadelete na nga even sa net wala akong makita na katulad talaga ng email na yon pero here is the jist:
Gaano man kadami ang sapatos mo at the end of the day babalik ka rin sa tsinelas; gaano man kamahal ang mga sapatos mo kapag pagod ka na hahanaphanapin mo pa rin ang tsinelas; gaano man kaganda ang mga sapatos hindi sila flexible kahit saan ka magpunta unlike ng tsinelas kahit saan mo isuot sa matagalan or malayuang byahe man pwede. Parang pag-ibig lang din daw may mga taong mananakit sa atin, may mga taong maganda lang ang porma at panlabas na anyo pero hindi ka kayang samahan hanggang huli pero may isang tao lagi na anjan lang naghihintay kung kelan ka babalik kung kelan mo mapapansin ang kasimplehan nyang taglay, isang tao na kaya kang samahan gaano man kalayo or katagal ang iyong paglalakbay. In the end sya rin ang hahanaphanpin mo. Sabi nila ang lovelife parang tsinelas rin kelangan ng kaparehas. Hindi magandang tingnan kung magkaiba ang partner ng isang pares ng tsinelas mo sa isang paa then sa kabila rin; ang isa super daming palamuti then yung isa halos wala naman parang hindi bagay di ba? hindi rin pwedeng magkapareho na kanan or kaliwa madadapa ka non for sure. Dapat talaga magkamatch, dapat magkaparehas.
The story makes sense naman di ba, pero ang tanong nakita mo na ba ang kaparehas mo? Ang sagot ko kelangan ba talagang hanapin ang kaparehas, hindi ba pwedeng hintayin na lang? Or baka naman talagang walang kaparehas ang tsinelas ko at naghihintay sa wala, pwede namang bumili na lang ng bago at hindi na umasa na hintayin pa ang kaparehas na inaasam. Katulad ng nasira kong si flip flops, may hangganan ang tsinelas, at kung masira man tanggapin at mag-move; laging may nakalaang bago and for sure magiging comfortable ka rin at matututo mo ring mahalin.
Always trust in the Lord for He knows the best for us at kung ano man ang will Nya for us tanggapin natin.

No comments:
Post a Comment
Thank you for reading my blog. I'd love to hear from you as well...
Have a happy day! Have a colorful life! God bless