Friday, August 20, 2010

Spot Me

A photograph is something we can look at and remember our old times...
The smiles captured at time cannot be the same again but the memories on it will last forever....
Salamat sa mga anay na hindi nagattempt sirain ang mga larawang ito...
Kupas man dahil sa katagalan na ng ilan pero puno pa rin ng alaala --- masasayang alaala na punong puno ng mga kwento.
Thanks Jep for these pictures...
Super natuwa ako when I saw this picture. I don't have a copy of this at nakikita ko lang sya sa mga lumang photo album sa ancestral house ng mga lola ko o kaya naman e don sa mga phot albums sa mga tita ko. Taken New Year's Eve sa garden ng mga lola namin, we always similar clothes ng mga pinsan ko. Kapag nireregaluhan kaming magpipinsan ng mga tita namin lagi parepareho para daw walang inggitan...until ngaun ganon pa rin parepareho pa rin kami. Sa picture na ito hmmm...mga 3 years old pa lang yata ako.

Kung uso ngayon ang bangs mas lalo na nuong kabataan ko...hehehe. Hindi pa buhay si Dora the Explorer pero kami fanatic na ng bangs. O anong say nyo full bangs kung full bangs

Maraming memories ang picture na ito. This was taken sa newly bought beach resort that time ng mga lola namin, so yung second reunion of Chavez Clan was held there. Maraming preparations, super saya. Yung nasa likod na nakapost na manila paper is the family tree na talaga namang pinaghirapan namin...daming special numbers, games & prizes. And take note family lang ito ng Cleofe as in 1 part lang ng Chavez Clan at hindi talaga kami magkasya sa camera...hindi pa kasi uso ang SLR o kahit digicam man lang kaya walang zoom ang mga camera, film pa ang gamit

Taken March 16, 1997 at Eternal Gardens . Close talaga kaming magpipinsan, we really make sure na may bonding kami pag weekend and since weekly Tita Ma and Tita Atit is dumadalaw sa puntod ng lolo't lola namin at ng tita ella weekly halos e nasa eternal kami. And one time napagtripan namin na magpictorial sa eternal and look sa mga hairstyles namin usong uso yan non...mga ANG TV fanatics...hahaha

Maluluma lahat ng mga larawan...
Maituturing ng mga vintage pagdating ng panahon...
Pero ang mga alaala at kwento sa likod ng bawat larawan ay hindi malilimutan....

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading my blog. I'd love to hear from you as well...
Have a happy day! Have a colorful life! God bless