Tuesday, September 21, 2010

Opinyon

Ang tao daw likas na mapunahin...
May mga taong madaling mamangha sa simpleng bagay na kanilang nakikita...
May mga tao namang para sa kanila kababawan ang mga simpleng bagay na yon...
May mga taong sadyang pulaero nga lang ba...
Maaring maganda sa akin, maganda sa'yo pero sa paningin nya ito'y hindi kaayaaya...
Beauty is in the eyes of beholder nga sabi nila...
Sari-saring opinyon...
Mga sabi-sabing tama sa iba ngunit sa karamihan ay salungat...
Meron namang mali sa nakakarami ngunit tumpak sa ilan...
Walang tama o mali...opinyon nga lang di ba
Opinyon -- karapatan mo ito
Karapatan ko ito
Sana'y alalahanin mo na bawat buka ng bibig mo may maari kang masaktan
May maari kang masugatan o masagasaan...
Opinyon mo o opinyon ko man
Walang pakialaman...
Pero sana hinay hinay lang...

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading my blog. I'd love to hear from you as well...
Have a happy day! Have a colorful life! God bless