After reading blog from Joanne (my multiply sister) regarding her long lost friend Bigboy, super bigla kong namiss ang mga friends ko especially my best friends. Mejo matagal-tagal na rin yung last kwentuhan namin sa chat or email...alam ko kasi na busy rin sila. This afternoon 'pag bukas ko ng yahoo mail ko super tuwangtuwa talaga ako ng makita ko na may nagpop-up na offline message...
An offline messages from my Tita Ninang --my best friend. Super natuwa talaga ako na kahit nakita ko na nakaoffline sya is kaagad agad akong nagreply...and when I saw "tita ninang is typing" ...mas lalo akong natuwa kasi we can chat kahit at least one hour lang. Actually nagulat din sya nung magreply ako kasi nakainvisible din kasi ako. I know naman na super busy sya especially mageelection na, she's connected kasi sa COMELEC so super hectic ang schedule nya. Chikahan...kwentuhan at chismisan..until naalala ko na itanong sa kanya ang common friend namin na nagbirthday last April 3...nagpalit yata ng number kaya nawalan na rin ako ng communication sa kanya. Pero since they both working in COMELEC, meron syempreng number nya si Tita Ninang. After chatting with Tita Ninang, i immediately sent an SMS sa other friend namin and after few minutes sumagot naman sya and we exchange few messages. Super nakakatuwa talaga to be connected once more sa mga friends sa Pinas...kahit ilang sandali lang nang pakikipagkwentuhan online o sa txt man parang all of a sudden napunan yung pagkamiss ko sa kanila.
Super thank you talaga kay Lord kasi alam ko na narinig Nya ang prayers ko na muli makausap kahit sandali lang ang mga taong saglit na nawalan ng communication sa akin..kaya naman super happy ako and I know may friends pa ako na makakausap sa mga susunod na araw.