Today morning when we are heading
to office, usapang blooming naman kami. Blooming as in not the temporary
blooming ka lang today or yesterday but yung blooming meaning "peak"
May mga times na maririnig natin
"ang ganda nya nung bata sya" or "mas gumanda sya nung
lumaki" meron naman "mas gumaganda sya habang nagkakaedad sya"
Every person has its own beauty, hindi dahil hindi sila ka pansin pansin sa
mata mo ay hindi na sya maganda. Beauty is in the eyes of the beholder nga di
ba. But do you know that there is Someone na maganda tayo sa paningin Nya? Yes
ang tingin Nya sa lahat ay maganda. Maputi,
kayumanggi or maitim ka man, maganda ka sa paningin Nya; matangkad, kulang ka
man sa height, payat or chubby ka man, singkit or pango ka man, maganda ka pa
rin sa mata Nya. Ganyan si Lord sa atin, masterpiece Nya ang bawat isa sa atin
at we are perfectly and wonderfully created.
There are times na kahit tayo sa
sarili natin we tend to compare ang ating mga sarili sa ibang tao, may iba
naman naman wala ka ng maririnig kundi "sana all". Ang iba naman
lahat na yata ay gagawin at bibilhin maging maganda lang sya sa tingin ng ibang
tao.
Uulitin ko ha:You are already
beautiful ❤️Maniwala
ka man or hindi pero yun ang totoo maganda ka!
Ang bawat isa sa atin ay may
angking kagandahan pero hindi lahat ay nakakaappreciate ng ganda na meron sya.
Maaring hindi pa lang fully bloom ang ganda mo pero you have beauty. Maaring
bukas or sa mga susunod na araw mag fully bloom ka na. While waiting for that
time enjoy the beauty that you have, be joyful everyday and that joy in your
heart will surely radiates on your face.
Imagine yang mga flowers🌸 na yan uulan, aaraw, magwiwinter at magsusummer pero
those flowers will bloom sa itinakdang season ni Lord para mamulaklak sila.
Ganon din tayo 😊
Wait for your season, wag mong
pangunahan si Lord sa itinakda nyang season para magbloom ka.
Uulitin ko ha, maganda ka❤️
repeat after me: I am beautiful. I am wonderfully and fearfully made by my
Creator, Lord Jesus Christ.
God bless you❤️
No comments:
Post a Comment
Thank you for reading my blog. I'd love to hear from you as well...
Have a happy day! Have a colorful life! God bless