Tuesday, April 28, 2020

Faithing


In midst of our situation today we are so vulnerable to all kinds of negativity. Social media feeds are filled with news that will make us feel down— the number of positive patients of COVID are rising, just today dito sa Qatar 929 ang new cases, frontliners are getting sick and dying especially sa medical fields, marami na rin ang mga nagsasarang companies at mga small businesses na walang kita, isa na ako don as M is for MINERVA is for the meantime no transactions but God's will malapit na ulit, and marami tayong mga kababayan na makikita or nababalitaan natin na nagugutom.

How to stand firm during this tough time?
Have faith and continue fighting with it.
Pray that the Lord will continue to strengthen you-sa lahat ng bagay na ginagawa or gagawin mo. Pray to guide you and give you wisdom sa mga decision making mo. 
And when you pray, you should have faith. May faith ka na lahat ng ipinagpray mo kay Lord in His perfect time and according to His wlll ay sasagutin Nya.
Huwag mong isuko ang iyong pananampalataya. Minsan it seems na parang impossible naman na maflaflat pa ang curve ng COVID halos everyday nga mas dumadami. Parang sa disyerto lang sino ang magaakala na may mabubuhay palang mga puno, halaman at bulaklak dito. Tingnan mo rin sana na may mga gumagaling, hindi man kasing bilis ng pagdami ng infected rate pero merong nangyayari. Sometimes kasi masyado tayong mainipin, kapag nagpray gusto kaagad instant answer. Di ba sabi nga, as we pray unti unti nagbabago din ang heart natin. Kaya tuloy lang sa pananalangin and hold on to your faith.

Ilaban mo ang iyong paniniwala. Lumaban ka ng may pananampalataya. Matatapos din ang lahat. Maaring hindi na bumalik sa dati ang mundo pero for sure magiging normal pa din ito.
God will flatten the curve! Pray and have faith
God will send healing! Pray and have faith
God will provide, He will sustain the world! Pray and have faith.

Have you ever heard the word "faithing"? Faithing = faith + fight
Faithing or Pananampalataya lumalaban

DON'T LET THE FEAR EMPOWER YOUR FAITH! HAVE FAITH & FIGHT
OUR GOD IS FAITHFUL. HE WILL ALWAYS BE
Let's do FAITHING!

Blooming




Today morning when we are heading to office, usapang blooming naman kami. Blooming as in not the temporary blooming ka lang today or yesterday but yung blooming meaning "peak"

May mga times na maririnig natin "ang ganda nya nung bata sya" or "mas gumanda sya nung lumaki" meron naman "mas gumaganda sya habang nagkakaedad sya" Every person has its own beauty, hindi dahil hindi sila ka pansin pansin sa mata mo ay hindi na sya maganda. Beauty is in the eyes of the beholder nga di ba. But do you know that there is Someone na maganda tayo sa paningin Nya? Yes ang tingin Nya sa lahat ay maganda. Maputi, kayumanggi or maitim ka man, maganda ka sa paningin Nya; matangkad, kulang ka man sa height, payat or chubby ka man, singkit or pango ka man, maganda ka pa rin sa mata Nya. Ganyan si Lord sa atin, masterpiece Nya ang bawat isa sa atin at we are perfectly and wonderfully created.

There are times na kahit tayo sa sarili natin we tend to compare ang ating mga sarili sa ibang tao, may iba naman naman wala ka ng maririnig kundi "sana all". Ang iba naman lahat na yata ay gagawin at bibilhin maging maganda lang sya sa tingin ng ibang tao.

Uulitin ko ha:You are already beautiful Maniwala ka man or hindi pero yun ang totoo maganda ka!
Ang bawat isa sa atin ay may angking kagandahan pero hindi lahat ay nakakaappreciate ng ganda na meron sya. Maaring hindi pa lang fully bloom ang ganda mo pero you have beauty. Maaring bukas or sa mga susunod na araw mag fully bloom ka na. While waiting for that time enjoy the beauty that you have, be joyful everyday and that joy in your heart will surely radiates on your face.

Imagine yang mga flowers🌸 na yan uulan, aaraw, magwiwinter at magsusummer pero those flowers will bloom sa itinakdang season ni Lord para mamulaklak sila. Ganon din tayo 😊
Wait for your season, wag mong pangunahan si Lord sa itinakda nyang season para magbloom ka.
Uulitin ko ha, maganda ka repeat after me: I am beautiful. I am wonderfully and fearfully made by my Creator, Lord Jesus Christ.
God bless you

Saturday, April 4, 2020

Sanitizing Melissa

How's your weekend guys? I hope that though we are still under quarantine, you are still able to spend your time wisely - doing some chores, crafting or relaxing on a couch while reading your favorite book or watching your favorite series.
As long as naenjoy mo yung time mo at hindi mo narinig ang sarili mo na nagreklamo ka na "gabi na naman wala na namang nangyari sa maghapon ko" then you spent your time wisely. 
I enjoyed my weekend, for me "gold" ang magkaroon ng 2 days off kasi every other weekend lang ako may off ng Saturday and I'm still going to office despite of the pandemic. I know that the Lord JESUS Christ will protect me and will give me strength everyday.
So ayun na nga speaking of weekend,sinulit ko talaga. Friday I attended online worship services and bonding with my family dito sa bahay and even sa Pinas. I enjoyed my bed, nakakamiss yung you don't mind time kung anong oras  kang gigising kasi wala naman pasok. Hooray talaga yun for me! So today, one of the major accomplishment ko is to clean and sanitize some of my shoes.
Recently there are some posts spreading that the COVID can live on the sole of the shoes for 5 days. So what we did, we have now shoe rack near our door kung saan namin iniiwan ang mga shoes namin, so additional to that I think that sanitizing shoes can be done also at least every weekend. 
I love shoes, actually namana ko yata yun kay Mommy. Lumaki ako na kung anong color ng bag ganon din ang shoes ko pero since dapat talaga mabilisan ang kilos kapag OFW ka dito, sabi ko nga time is gold , minsan kapag papasok sa office kung ano na lang maisip isuot na shoes hahaha pero make it sure naman na color coordinated pa rin.
Let me share you some of my shoes na super comfortable talaga sa paa and you can wear whether in office, casual events or any occasion (hindi po ito paid advertisement ha). May ganon talaga ako na attitude I can stick to a brand basta nagustuhan ko or nastisfied ako. 
I'm not fond of rubber material texture shoes pero from the start na natry ko yung Dumond brand made in Brazil nagustuhan ko talaga until I met Melissa.

Here's a trivia I got about Melissa:
Melissa are made from MELFLEX plastic, a patented, hypo-allergenic, recyclable, and extremely flexible PVC. The shoes are totally cruelty free and devoid of animal products. The Brazilian-based company is totally rad in its recycling of 99.9% of factory water and waste, and they also go the distance by recycling overstock styles into next season’s collection. Even better? Melissa Shoes employees are paid above average wages and benefits.

Today, I clean and sanitized my Melissa shoes. So guys if you have Melissa shoes din, super easy sya linisin and low maintenance talaga.
I have a 5 pairs of Melissa. Well, nabili ko lang sya lahat ng nakasale (para ano pa na nasa Procurement  line ako di ba) 2 of these shoes I bought 120 QAR from its original price of QAR799. Best buys talaga di ba? :)
Melissa - Brown

Melissa Space Love + Jason Wu

Melissa Space Love + Jeremy Scott

Vivienne Westwood x Melissa

Vivienne Westwood x Melissa

Here are some tips on how to clean your Melissa Shoes:

1. Get a small basin with liquid soap, brush, sponge, soft cloth (cotton), alcohol in sprayer.
2. Wet the sole but do not soak into the basin. Clean the sole using brush and water with liquid soap.
3. Check the body of the shoes to find the dirt. Usually, since glossy ang texture mejo maitim ang dirt nya na nakakapit and since glossy need ng extra care.
4. Use a sponge or cloth on the body of the shoes. Wipe it until the dirt is gone.
5. Wipe it with dry cotton cloth. Its important na soft and cotton to avoid scratches.
6. For the inside, yung small brush like old tooth brush lang then clean the lining part. If you will notice yun talaga yung sinisingitan ng mga dumi. You will see it visibly talaga yung mga natanggal na dumio.
7. Wipe it with cloth until ma-dry. To be sure na dry sya, pwede muna pahanginan.
8. Now you can sanitize it using an alcohol in bottle sprayer.
9. Spray it with alcohol, mejo mataas yung position ng kamay para wisik-wisik lang.
10. Let it dry bago ulit ilagay sa box or shoe rack.

Another thing I really love on Melissa aside sa comfy sya, hindi nawawala yung fragrance nya kahit nakailang years na at lagi kong ginagamit, still yung smell nya ang bango pa rin :)

Guys, I encourage you kung mejo nauubusan na kayo ng ginagawa at mejo napapansin nyo na nabobored na kayo, there are so many things you can do to be productive inside the house. So hope this simple tips can help you to stay safe and healthy against the virus. Stay clean and keep sanitizing!
God bless us all :)

Here's a bible verse that I want to leave you that you can meditate:

“The one who says he resides in God ought himself to walk just as Jesus walked.”
 I JOHN 2:6

When we walk with the Lord we draw closer to the Lord with all our heart. He becomes our focus. Our hearts longs for Him. Our heart seeks His presence. Our desire to have fellowship with Christ and be like Him will grow while our worldly desires will decrease.

NOTE: You can leave a comment on comment box if you have any specific topic that I want to feature.

Wednesday, April 1, 2020

Flying Kathy & Me


When people heard the word "middle east" the other counterpart word that comes to others is "desert" Try to picture on your mind how does the deserted country looks like - puro buhangin lang, mainit, walang masyadong buildings at walang nabubuhay na mga halaman. Well ganon yung napipicture sa isip ko almost 14 years ago bago ako pumunta dito sa Qatar. Stepping out on my comfort zone - being away sa place na nakasanayan mo, people, friends and most especially family na ever since namulat ka sa mundo kasama mo na. Far away from those "independent" life before they become OFW, hindi ako talaga ganon, hindi ako katulad ng iba na naexperienced magwork away from home or magdorm man lang. In short 14 years ago I am totally out on my comfort zone. The only hope I have that time is that EVERYTHING WILL BE FINE, its not because of the courage I have in me but its because I entrusted everything to Jesus.

Back to what you have in mind when you picture out the desert, ako din akala ko talaga walang puno or halaman dito sa Qatar. Well, actually 14 years ago hindi pa naman talaga ganong kadami ang mga trees and plants dito mostly talaga buildings lang talaga. And if may mga halaman man talagang pricey sya pero buti na lang dahil marami ng supply now, the law of supply and demand applies on its price na.

I love greens - trees, plants, plantacions, farm. Kaya naman nageenjoy talaga ako kahit road trip lang na makakita ako ng greens sa Pinas everytime na uuwi ako, nakakarelax talaga.

December last year I bought a flowering plant for my table para naman mejo sumayasaya ang ambiance at hindi puro papel na lang ang nakikita ko :)

I bought a flying kathy in Carrefour for QAR 20 (wag ka ng magconvert kasi mura na yon para sa halaman kapag nasa Middle East ka).

December 2019

At first glance para talaga syang artificial. Everyone na nakakakita is pinching it just to be sure na totoo sya. Some them will tease me, na pwede na daw ipang salad yung dahon nya kasi ang lalapad then shiny and looks crunchy daw. Super fresh, buhay na buhay talaga sya. Kung sa tao walang kastress-stress sa life nya and super blooming.

Like human, ganyan din naman tayo di ba when we are into something na gustong gusto nating gawin,it seems na effortless ang lahat and sometimes we are too idealistic na we can achieve everything kasi we know that we are doing everything to achieve our goals, pero paano kung hindi pala......

I was away for a month sa office pero bago ako umalis, ipinagbilin ko sa teaboy namin na pakialagaan ni Flying Kathy. Low maintenance naman ito - 2x a month mo lang sya need diligan at konti lang talaga, konting sunlight lang since mas nagblobloom sya kapag malamig kaya indoor lang din talaga sya. I was back from my vacation on January and ganito na sya...

 
January 2020


See the difference? nagdry at nalagas na yung ibang mga dahon nya. Yung dating super green, shiny and "crunchy" leaves nya natutuyo na yung mga tip. Though may mga flowers nya pero kapansin pansin na nabawasan yung ganda nya.Nalungkot ako ng slight kasi I'm expecting na mas maganda ko syang makikita, I'm expecting na mas magblobloom sya pero the good thing is she's still holding on to the ground kung saan sya nakatanim. Parang she wanted to tell me na "hey I'm still blooming where I am planted".

Its like us there are times na super energetic tayo, blooming at everything runs smoothly sa life natin. Pero let's face the reality - may hurdles, challenges, problems, and unexpected circumstances tayo na mga pinagdadaanan.  How many times na nadapa ka na sa buhay? ang dami mo ng pinagdaanan pero still see yourself now - courageously and hopeful in battling the challenges of life. The Lord is good, He is good to all, and He is good all time, Sometimes, He allowed us to experience na madapa tayo para matuto tayo in life. May mga times na hindi natin naiintindihan ang dahilan bakit nga ba - bakit nga ba need pa nating masaktan, madapa, magkaproblema. Pero naisip mo ba na sa bawat pinagdadaanan mo may lessons ka na natutunan. I remember our late Pastor Vil sa isang sermon nya na talagang nagrema sa isip at sa puso ko "hanggang hindi ka pumapasa sa test ng pagsubok babalik at babalik ka jan, kaya sa una pa lang na test ipasa mo na" Really true, may mga circumstances or problema naman talaga na contributor din tayo, kung sa una pa lang itatama mo na and you will allow God to be with you - to guide you, lead you at susunod ka then maiipasa mo ang test and surely sa sunod na magdaan ka ulit sa test na ganon it will be easier for you.

Sometimes ang dami nating reklamo sa buhay, nalilimutan nating iappreciate kung anong meron tayo. May mga times na hindi tayo natututong makontento at magpasalamat kay Lord sa kung anong meron tayo. Naisip mo ba na ang lahat ng bagay na pinagdadaanan mo ngayon ay may purpose .

And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose - Romans 8:28

BLOOM WHERE THE LORD PLANTED YOU!
 Kung saan ka nadapa don ka rin tumayo. Our Lord Jesus Christ is gracious to guide and lead you to the path that He wants you to be BUT you need to listen to Him; allow Him to control and be the driver of your life. Trust me, He will never ever fail you, never will He leave you nor forsake you. Sa disyerto na mainit, maalikabok, maraming restrictions ka Nya dinala, still BLOOM! Nagiisa ka man, malayo sa pamilya or kaibigan mo, the Lord wants you to BLOOM! The Lord Jesus Christ has purpose kung bakit ka nasa situation or nasa lugar kung nasaan ka ngayon. Hindi mo alam kung anong purpose ng Lord, the ask Him, pray and He will answer.

Let each one live his life in the situation the Lord assigned when God called him -I Corinthians 7:17 (CSB)


This is Flying Kathy now, no more big, shinny and crunchy leaves, and no more flowers too but you can still see her beauty. She's still confidently holding on to the ground na para bang sinasabi nya  na " I've been to storm but here I am still standing gracefully"

There are pruning season and there are growing seasons. When I look back on my life, I can tell the greatest growth comes right after you get cut back. I am still a work in progress by the Lord Jesus Christ. And I'm expectant that the Lord will continue to move in my life.

If you are now in the situation of your life na para bang ang tingin mo ay puro problema na lang at walang nangyayari na maganda sa buhay mo, let me pray for you...

Lord Jesus Christ, our gracious and compassionate Lord, I pray that the person who's reading this blog right now, be comforted in Jesus name. You are the all knowing God - alam Mo po Lord kung ano yung best para sa tao na ito, maybe he or she planned everything for his / her life pero Lord still Your will be done sa buhay nya. Lead Him Lord for him/her to truly know You and accept You as well as his /her Personal Savior, in Jesus