I did not even take my vacation kasi for sure na hindi naman ako papayagan ng mahabang bakasyon.
May mga times na naiiyak na ako...hindi pala umiiyak na ako sa pagod...sa stress, isama mo na ang inis sa pasaway na tao sa paligid.
Tanghali pa lang exhausted na ako...reason din siguro kung bakit madali akong mainis o mairita...at hindi na ako magtataka kung yung ibang officemates ko ang tingin sa akin e mataray ako.
Hindi ko naman gusto ang ganon pero ewan ko ba.
I will not allow myself na manatili sa ganong condition...
I asked the Lord to talk with me...na ipakita sa akin what should I do to overcome yung feelings & situation na kinakaharap ko
Until last Friday....
Sa message ni Pstra. Geny, same situation ang ginamit nya sa illustration ng preach nya. Super agree na agree talaga ako sa lahat ng sinasabi nya kasi nga relate na relate ako.
Hindi pala ako nagiisa na nakakaexperience ng mga ganong pressures & stress from my work place...sabi nga baka meron pa na mas higit ang problema kesa sa akin. At least ang sa akin workloads at iabng mga officemates ko na hindi ko feel.
She shared her secrets to overcome those problems
PRAYER
I know how powerful prayer is...pero sabi nga we need to be specific in praying. Kung kinakailangang ipray over mo pati mga papel sa mesa mo do it . Pero sympre kelangan my TRUST & FAITH tayo.
This week maayos ang mga araw kong nagdaan...there is an in inner happiness na hindi ko maexplain.
Marami pa ring paper works, napapagod pa rin ako but the inner glow yun ang meron na ako, even my officemates sa department namin napansin daw nila.
"Jen bakit blooming ka"...hahaha naks naman si Kuya nambola pa
And just this morning one of my officemate asked me .."Jen ewan ko sa mga boss mo, paano ako nakatagal dito?"
Hehehehe..pioneering staff kasi ako sa department magpofour years na ako at nakailang boss na din ako at ngayon would you believe na I have 6 bosses...o di ba feeling nila superwoman talaga ako.
"You want to know my secret kuya...GOD"
Its just a prayer away...sabi nga sa kanta...
There's nothing more effective than PRAYER
And there's nothing more we need if we have HIM